Sis. Karylle Capunitan | November 24, 2024
Ang pagdiriwang ng Love Month ng PCMI Langkiwa ay pinuno ng saya at pagkakaibigan sa isang di-malilimutang Game Night noong Pebrero 25, 2024. Sinimulan ang gabi sa isang ‘Ice Breaker’ ng mga tanong na fill-in-the-blank gaya ng, “I feel so loved when someone ______” and “Lately, I am most grateful for _______.” Nakatulong ang mga makabuluhang katanungang ito para masimulan ang gabi, na nagbigay-daan sa bawat isa na magbahagi ng kanilang mga nararamdaman at magkaroon ng koneksyon sa bawat isa.
Pagkatapos niyo ay nagkaroon ng mga iba’t ibang nakaaaliw ng mga palaro. Una na dito ay ang Plastic Bottle Flip, kung saan ipinakita ng mga kalahok ang kanilang husay sa pag-flip. Sumunod ang patok na larong Tumpak Ganern, kasunod ang masiglang Human Numbers. At ang huling laro naman ay ang masayang larong Family Feud.
Matapos ang mga ito ay nagsalo-salo ang lahat sa isang masarap na pagkain, na higit pang nagpapatibay sa kanilang samahan at pagkakaibigan.
Hindi lang ito isang simpleng game night, kundi isang paalala ng lakas ng pagsasama at ng saya ng mga pinagsasaluhang alaala.