Sis. Tetet Assen | November 24, 2024
Noong Pebrero 18, isang makulay at masayang pagtitipon ang naganap bilang bahagi ng selebrasyon ng Love Month, ang “A Night to Remember”. Ang kaganapang ito na pinangunahan ng Men's and Women's Ministry ng PCMI Adelina, at dinaluhan din ng Young Adults Ministry, ay naglalayong bigyan ng pagkakataon ang mga mag-asawahan man o single, sa isang ‘di malilimutang gabi ng fellowship at pagdiriwang ng biyaya ng relasyon – sa pamilya, mga kaibigan, at higit sa lahat, sa Diyos.
Ang gabi ay nabigyang-kulay ng ilang mga palaro tulad ng “Tumpakners” at “The Price is Right” na nagpatawa at nagpakita ng matibay na samahan ng bawat isa. Bukod dito, pinasinayaan din ng ilang mga mag-asawa ang gabi ng mga awit at sayawan na nagdulot ng kilig at musika.
Nagkaroon din ng parangal ang ilang mga dumalo na naging highlight ng pagtitipon. Ilan sa mga parangal at nagwagi ang sumusunod:
Face of the Night
Face of the Night
Couple of the Night
Best Dressed Couple
Isang surpresa namang maituturing ang pagkilala at pagpapahalaga sa mga kontribusyon ng mga Diakono (Board of Deacons) ng PCMI Adelina na pinasinayaan din sa gabing ito.
Ang “A Night To Remember” ay isang paalala na ang tunay na pag-ibig ay hindi lamang para sa mag-asawa, kundi para sa lahat ng tao, sa lahat ng relasyon, at sa lahat ng yugto ng buhay, higit sa lahat, para sa Panginoon na pinagmumulan ng lahat ng pag-ibig.